Saturday, May 8, 2010
HUWARAN SI MEL MATHAY
Nakakasulasok at kakaiba ang nangyayari sa kampanya sa QC. Kung sino pa kasi ang mga nakababatang kandidato, sila pa ang nagpapamalas ng tradisyonal na politika.
Walang tigil ang bangayan ng mga bata, habang puro naman agtitimpi ang matanda. Ito ang puna ng karamihan sa QC. Hindi na maikakailana todo-todo ang upakan nina Bistek at Tol Mike. At nadamay na rin si Mathay sa kanilang pagbababag.
Kamakailan lang, naiulat na si Bistek daw ang nangunguna sa laban sa pagkaalkalde, batay sa mga survey. Si Mathay naman daw ang nangungulelat bagay na hindi ikinatuwa ng mga tagasuporta ng dating alkalde.
Sa ibang ulat naman, pinagkakalat diumano ni Defensor na umatras a si Mathay sa laban. Bagay na lalong hindi ikinatuwa ng mga tagasuporta ni Mathay.
Sa lahat ng ito, natatawa na lang si Mathay. Hinding-hindi raw siya lalaban ng siraan sa politika dahil hindi ito ang paraan para malutas ang mga problema ng Quezon City. Aniya, mas mainam na ipaliwanag na lang niya ang mga programa at bisyon niya para sa lungsod.
Pinangunaha ni Mathay ang mga proyektong nagbigay ginhawa sa mga taga Quezon City katulad ng Trinoma, Eastwood City, UP-Ayala Land Technohub, at Quezon City Polytechnic Institute. Pinangunahan rin niya ang pabahay para sa mga informal settlers, hospitalisasyon maging sa mga mahihirap na komunidad at pagkakaroon ng dagdag benepisyo at pasahod para sa mga empleyado ng gobyerno.
Ilalaban raw ni Mathay ang programa niya nang walang bangayan at siraan. Bahala na ang taong bayan...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment