Saturday, May 8, 2010

TEN REASONS TO VOTE FOR MEL MATHAY




Sa May 10 eto ang 10 rason kung bakit si Mel Mathay ang Mayor na iboboto ko.

1. Ibabalik niya ang isang makatao at tapat na serbisyo para sa mamamayan ng Quezon City

2. Isusulong niya ang mga proyekong pangkabuhayan, dagdag na trabaho, ligtas at matiwasay na pamayanan, kahandaan sa sakuna at mataas na kalidad ng edukasyon para sa lahat.

3. Gagawin niyang abot-kaya ang business tax at mga regulatory fees.

4. Dadagdagan niya at papalawakin pa ang mga commercial at business centers gaya ng Eastwood City, Metro Centro sa Cubao, Fairview Area at North Triangle.

5 Bibigyan niya ng retraining courses at karagdagang insentibo ang mga guro, mga scholarships at paggawa ng mga panibagong classrooms.

6. Gagawin pang mas moderno ang QC General Hospital; papalawakin ang Novaliches District Hospital, at dadagdagan pa ang mga baranggay health centers at hospitalization assistance program.

7. Higit na isusulong ang mga programa laban sa kriminalidad at programa sa droga.

8. Susuportahan ag mga programang magpapausbong ng sining at kultura kasama na ang pagtatayo ng isang Museum sa tulong ng UP.

9. Makikipagtulungan upang lalong sumigla ang Youth Sports Program sa pakikipagtulungan sa pribadong sektor.

10. Dahil siya lang ang may POLITICAL WILL na gawin ang lahat ng ito.

0 comments:

Post a Comment