I always wanted to be a blogger, kaya lang wala yata akong tiyaga, Hindi naman ako tamad as in batugan, its more of being impatient siguro dahil gusto ko madaming lagad aman ang blog ko, and more importantly gusto ko naman na madami ding magbasa.
Problem is i really didn't know what to blog about. I'm into technology and games kya lang sampu't sampera na ang mga bloggers dun. Nakapaglaro lang ng Dota tech expert na! Travel blog? Pwede din sana kya lang mas madalas pa ata rumampa yng aso namin kaysa ken. Yun din ang disadvantage ng nagtratrabaho sa bahay di katulad sa opisina na kelangan din patayin ang aircon at computer sa hapon kya nakakauwi pa ang mga empleyado. Eh kapag sa bahay ka hindi natatapos ang trabaho, hanggat may dumarating na work sige lang hanggat kaya ng kamay at mata.
Inaabutan at inuuwian na ko ni Haring Araw katapat ko pa din ang laptop ko. Mahirap iexplain ang work ko kaya nga hirap din akong gumawa ng resume....parang spagetti na hinaluan ng pancit canton at sinahugan ng adobo ang work experience ko, kaya nga everytime mag-aaply ko eh nagkakandaduling yng HR sabay sabi "You have a very interesting resume..."
So tungkol nga ba saan ang blog na ito? Asus di pa ba obvious? Since dito na ko ipinanganak, nag-aral, lumobo, nagkajowa, nasawi, muling bumangon at patuloy na nakikipagsapalaran...napili kong tungkol muna sa Quezon City ang gagawin ko...
Election time pa naman-- malay mo mainvite pa ako ng mga kandidato sa bloggers forum nila--- puro pa naman artista ang kandidato dito sa QC! libre pagkain pa naman daw sa ganun!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment