Thursday, April 29, 2010

Saan napupunta ang kinikita ng QC?



Quezon City daw ang may pinakamalaking kinita pero saan napupunta ang surplus natin? Ni wala man lang daw hospital o bagong eskwelahan ang naitayo daw sa loob ng 9 na taon ni Belmonte..puro modernization at street overlays lang ang nangyayari.
(at least maganda na ang higaan ng mga street children)

Siguro naman napansin nyo na buo pa at maayos ang mga kalsada ay sinisira na nila at papatungan ulit ng panibago...hindi ba pagtatapon ng pera ito? samantalang ang daming nagugutom na hindi nmn sinasali ni Bistek sa emergency food purchases niya.

at kung ituturo nmn ng Belmonte Administration ang Eastwood, North triangle at Cubao Metro Centro... hindi ba proyekto pa ito ni Mayor Mel Mathay?

Totoo nga kaya yung bulong bulungan na nasa isang time deposit ng isang QC official ang kinikita ng siyudad?

nagtatanong lang po..

0 comments:

Post a Comment