Sunday, April 25, 2010

QC Hall employees ayaw kay Bistek

Isa sa pinakamahalagang aspeto sa pagpapatakbo ng isang organisasyon maging ito man ay isang negosyo or sangay ng gobyerno ay ang pagkakaroon ng masasayang mga empleyado na sumusuporta sa namumuno nito.

Dahil kahit na gaano ka man kagaling at kahit gaano man kaganda ang mga plano, kakailanganin mo pa din ang mga taong gagawa at magpapatupad nito para sa yo.

Kaya nga't nakakabagabag isipin ang nakakatakot ang posibilidad na maging mayor si Herbert Bautista dahil mismong suporta ng mga kawani ng city Hall ay hindi nito makuha.

Paano ba naman sa laki ng kinita ng QC eh hindi mabigay ang COLA ng mga empleyado. Baka naman kase inuuna pa nya ang kanyang walang katapusang emergency purchases ng food and drinks.

Kung mismong mga pangangailangan ng mga taong nagtratrabaho sa City Hall di mabigyang pansin ni Bistek, paano pa ang mga mahihirap at nangngailangang mga residente ng QC??

Bistek laglag sa QC hall employees dahil sa ‘unpaid’ COLA

Hataw tabloid Tuesday, 13 April 2010 00:10

Tiniyak ng mga empleado ng Quezon City Hall na hindi nila iboboto ang komedyanteng Vice Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista kapag hindi naibigay ng pamahalaang lokal ang kanilang Cost of Living Allowance (COLA) na sinuspende ang pagbibigay mula noong 1989 hanggang 2004.

“Itaga n’yo sa bato. Hindi namin susuportahan si Bistek kapag patuloy na ipagkait sa amin ng lokal na pamahalaan ang aming benepisyo,” ayon kay Erwin Lanuza, Presidente ng Kapisanan ng mga Manggagawa at Kawani ng QC (KASAMA KA-QC).

Sa ginanap na lighting protest rally sa city hall, muling kinalampag ng mga empleyado at kawani ng Quezon City Hall sa pangunguna ng KASAMA KA-QC si Mayor Feliciano ‘Sonny’ Belmonte upang kondenahin ang alkalde sa pagharang niya sa pagbibigay ng kanilang mga benepisyo kabilang ang kanilang COLA.

Tangan ang mga placards na nagsasabing “COLA BACKPAY, IBIGAY NA DAPAT. SAPAT ANG PONDO NG QC!” binatikos ng mga miyembro ng KASAMA KA-QC si Belmonte dahil patuloy niyang ipinagkakait ang kanilang benepisyo sa hindi malamang kadahilanan.

Tiniyak ng grupo na ilalaglag nila si Bistek sapagkat wala man lang siyang nagawa upang isulong at protektahan ang kanilang karapatan sa kabila ng kanilang matapat na pagtupad sa kanilang tungkulin kung kaya’t naabot ng pa-mahalaang lokal ang kasalukuyang kalagayan nito.

Binatikos din ng grupo ang pagmamalaki ng pamahalaang lokal na mayaman ang kaban nila samantala hindi maibigay ang karapat-dapat sa mga empleado.

Matatandaan, sa kabila ng isang Supreme Court decision na nag-uutos sa Quezon City government na ibigay ang COLA ng mga empleado ay hindi pa rin inilalabas ni Belmonte ang pondo para sa kanila.

Nakatakda sanang matanggap ng city hall employees ang kanilang COLA na ibininbin mula 1989 hanggang 2004 matapos pagtibayin ang isang 2005 resolution pero nai-veto ni Belmonte. Muling isinulong ng mga konsehal ang pagbibigay ng naturang benepisyo sa mga empleado sa pamamagitan ng panibagong resolusyon ngayong Pebrero 2010 ngunit muli itong hinarang ni Belmonte.

“Matagal na naming hinihintay na ibigay nila ang aming COLA. Hindi naman siguro kaila sa kanila na karapat-dapat lang na ibigay nila ito sa amin dahil pinagtrabahuhan naman namin ito. Malaking bagay ito para sa amin at sa aming mga pamilya lalo na ngayong mahirap ang buhay,” ayon kay Lanuza.

Nakatakdang magsagawa ng mga kilos protesta ang grupo ng mga empleado hangga’t hindi inaaksyonan ang kanilang hinaing at hindi nila nakakamit ang benepisyong para sa kanila.

“Kumilos tayo bago mahuli ang lahat. Alam natin na tayo ay nasa tama kaya hindi tayo dapat matakot na ipaglaban ang ating mga karapatan bilang tao, manggagawa at lingkod bayan,” sigaw ni Lanuza.

Kasabay nito, nauna nang inilutang ng mga empleado ng QC Hall ang matitibay na ebidensiya laban kay Bistek sa isa na namang kaso ng katiwalian laban sa dating komedyante. Dahil dito, pinaniniwalaang nilustay niya ang may P106 milyong pondo ng kanyang tanggapan para sa food and drinks imbes gamitin sa mga makabuluhang proyekto.

Ang pinakahuling kaso ng graft at plunder laban kay Bistek ay isinampa ng residente mula sa Payatas na si Nicanor Salameda sa Office of the Ombudsman kamakailan.

http://www.hatawtabloid.com/archive/15546-bistek-laglag-sa-qc-hall-employees-dahil-sa-unpaid-cola

0 comments:

Post a Comment