Thursday, April 29, 2010

Kandidatong Sindikato sa QC





narito ang kopya ng isang dokumento na ipinamigay kahapon sa media sa isang presscon sa QC.




Pagkatapos idetalye kahapon nila Hans Palacios at Andy Rosales ang umanong pagmamanipula ng buong "SB TEAM" sa budget ng quezon city upang mapaghatian ang 42 porsyento ng kabuuang P9.42 bilyon budget ng QC, sinabi din ng dalawa na parang ngkakaroon na ng sabwatan at isang sindikato sa pamunuan ng City Hall.

Isipin mo nga nanan ang pagkalalaki laking pera na hawak ng mayor na umaabot sa 3 bilyon at ang ipinamahagi nyang budget ke bistek na 125 milyon at 43 milyon sa mga konsehal sino nga nmn daw ang aangal at magsusumbong? Milyon na nga nmn magiging bato pa!

Tila nga daw bumubuo o lalo pang pinalalawak ng pamilya belmonte ang paghahari nila sa QC dahil may isang Belmonteng tumatakbo sa bawat distrito ng QC. Si Mayor Sonny Belmonte bilang congressman sa 4th district ulit---(kung saan lalo daw dumarami ang mahirap) si Joy Belmonte na tumatakbong vicemayor, si Kit Belmonte na kandidato sa kongreso sa 2nd district, samantalang si RJ at vince nman sa konseho. Kapag ngkataon bukod pa sa pork barrel ni SB at kit (kung mananalo) mapapasakamay sa pamilya belmonte ang mahigit 200 milyong budget ng quezon city...

Wow! parang sila na lang ang bubuhayin ng mga buwis na pinapataw sa atin.

Kung ang mga ampatuan daw ay bumuo ng private army sa mindanao, sindikato naman ng belmonte ang mamamayagpag sa QC. At dahil si Bistek ang napili nilang dummy mayor na kayang kaya nilang utuin tiyak na sa loob ng susunod na mga taon lalo lamang malulugmok ang QC.

0 comments:

Post a Comment